Sa kauna-unahang conferment ng College of Maritime Education ng Midway Colleges sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, 31 bagong graduates ang handa nang pumalaot sa dagat ng mga oportunidad—kasama ang buong suporta ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Binigyang-diin ni MARINA Administrator Sonia B. Malaluan ang patuloy na kahalagahan ng mga Pilipinong marino bilang haligi ng pandaigdigang industriya ng maritime, sa kabila ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.

View video here