Nagpahayag si Congressman Sheen Gonzales ng Guiuan, Eastern Samar ng kaniyang buong suporta sa mga inisyatibo ng MARINA, partikular sa Shipbuilding and Ship Repair Development Bill, at ang kaagapay nito na Shipyard Fiscal Incentives Bill.
Sa isinagawang pagpupulong kasama si MARINA Regional Director Cheryl V. Pascua, tinalakay ang dalawang panukalang batas — ang SBSR Development Bill at Shipyard Fiscal Incentives Bill — na layong palakasin ang shipbuilding and ship repair industry sa pamamagitan ng modernisasyon at pagbibigay ng mga tax relief sa sektor.
Ayon sa MARINA, ang pagpasa ng mga panukalang ito ay makatutulong hindi lamang sa pagpapaunlad ng lokal na paggawa at pagkukumpuni ng barko, kundi pati sa paglikha ng trabaho at pagsulong ng teknolohiyang maritima sa bansa.
Patuloy namang hinihikayat ng MARINA ang suporta ng iba pang mga mambabatas para sa pagpasa ng SBSR Development Bill at Shipyard Fiscal Incentives Bill na nakikitang magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa industriya maritima ng Pilipinas.
View video here
