Kasalukuyang isinasagawa ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang isang Stakeholders Meeting upang talakayin ang implementasyon ng MARINA Advisory No. 2025-01, na naglalayong suspindihin ang operasyon ng mga LCT-type RORO cargo ships at ipaliwanag ang kaukulang operational guidelines nito.

Ayon kay MARINA Administrator Sonia Malaluan, “bukas ang Ahensya sa pakikipagtulungan sa lahat ng stakeholders upang masiguro na maayos, ligtas, at patas ang implementasyon ng mga patakaran.”
Layunin ng nasabing pulong na tugunan ang mga isyu ukol sa implementasyon, at bigyang-linaw ang mga katanungan sa Advisory.

View pictures here