Sa Mariveles, Bataan, hindi lang barko ang binubuo—mga pangarap ng buong komunidad. Marami sa mga residente ang dati nang nangangarap ng mas maayos na buhay kahit pa mangibang-bansa. Ngayon, unti-unti nila itong nakakamtan nang hindi iniiwan ang kanilang pamilya.
Sa ilalim ng lumalakas na shipbuilding at ship repair (SBSR) industry, nagkakaroon sila ng hanapbuhay, seguridad, at pag-asa na “dito sa atin,” posible ang pag-asenso.
“We believe that kung kaya ng ibang countries [magkaroon ng maunlad na SBSR industry], kaya din natin… hopefully, those Filipinos working abroad won’t have to leave our country anymore. And we can be proud that the ships we are making are proudly Filipino-made,” ani Carlo Ignacio, Vice President for Operations, Seafront Shipyard.
Patuloy namang itinataguyod ng MARINA ang SBSR Development Bill—isang panukalang magbubukas ng libo-libong trabaho at magpapatunay na ang husay, sipag, at galing ng Pilipino ay kayang maghatid ng world-class na barko, gawang atin, para sa mundo.
View video here
