“Para sa’kin, malaking tulong itong training ngayon dahil nakakapagbigay ito ng encouragement sa aking mga kasamang mandaragat, pati na rin sa mga boat captain na walang lisensya,” ani Jemuel John Malaay, isang boat operator mula sa General Santos City.

Kasama ang humigit-kumulang 70 boat operators, nakapagtapos sa isinagawang Modified Basic Safety Training (MBST) na pinangunahan ng Maritime Industry Authority (MARINA) Regional Office XII.

Layunin ng MBST na palakasin ang kaligtasan, kahandaan, at operasyon ng mga marino sa domestic trade. Bahagi ito ng mandato ng MARINA upang tiyakin na ang bawat tripulante sa domestic maritime sector ay may sapat na kakayahan at kwalipikasyon bago bumiyahe.

Ulat ni Ronna de los Santos

View video here