Opisyal nang nanumpa ang 98 bagong lisensiyadong Marine Deck at Engineer Officers sa ginanap na Oath Taking Ceremony ng MARINA sa AMOSUP Convention Hall.
Sa Deck Department, 48 ang nanumpa — kabilang ang 11 Master Mariners, 2 Chief Mates, at 35 OIC–Navigational Watch. Samantala, sa Engine Department, 50 ang tumanggap ng sertipikasyon — 7 Chief Engineers at 43 OIC–Engineering Watch.
Ani OIC Engine Watch Vann Nicole R. De Guzman: “Sa mga aspiring officers, lalo na sa mga babae—’wag kayong susuko. Huwag hayaang hadlangan kayo ng diskriminasyon. Mangarap lang kayo at magpursige.”
Muling pinagtibay ng seremonya ang pangako ng MARINA na suportahan ang pag-unlad ng mga marino, at itaguyod ang mas ligtas at matatag na maritime industry para sa lahat.|via Ronna de los Santos
View video here
