‘Yan ang naging pahayag ng isa sa mahigit 100 benepisyaryo ng Mobile Registration and Licensing Activity na handog ng MARINA para sa mga motorbanca operator sa Moalboal, Cebu.

Malaking ginhawa rin ang naidulot ng aktibidad sa 34 na bagong Boat Captain at 29 na motorman na hindi na kinailangang bumiyahe pa-Cebu City, dahil natanggap na nila ang kanilang lisensya matapos sumailalim sa Mobile Basic Safety Training ng MARINA sa mismong bayan.

Samantala, tiniyak ng MARINA Regional Office 7 ang patuloy na pakikipag-ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan at mga asosasyon upang masiguro ang tuloy-tuloy at ligtas na biyahe sa dagat para sa buong komunidad. | via Levie Miranda

View video here