Matagumpay na nakapagtapos ang 43 trainees, kabilang ang 12 tauhan mula sa Philippine National Police Maritime Unit ng Tacloban City, sa isinagawang Ship/Boat Handling and Safe Navigation 1 (SHSN1) at Engine Operation and Maintenance 1 (EOM1) training ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa Palo, Leyte.
“Overall, this training equips the PNP Maritime Unit team to operate more confidently, safely, and effectively in an adverse maritime environment,” ani PCPT Elvira F. Makabenta ng PNP Maritime Unit.
Inaasahang magpapatuloy ang MARINA Region 8 sa pagsasagawa ng ganitong mga programa upang lalo pang mapataas ang antas ng kaligtasan at propesyonalismo sa maritime sector ng rehiyon. |via Ronna de los Santos
View video here
