Mainit na tinanggap ng mga Motorbanca Associations sa Alaminos City ang bagong 5-in-1 Safety Documents ng Maritime Industry Authority (MARINA) matapos ang Stakeholders Forum na isinagawa ng MARINA Regional Office I & II. Layunin ng polisiya na gawing legal, standard, at mas ligtas ang operasyon ng mga bangkang panturismo na isang mahalagang hakbang para sa kaligtasan ng pasahero at pag-unlad ng lokal na turismo sa bayan ng Alaminos.

Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si OIC-Regional Director Atty. Fernan Cabral sa suporta ng mga asosasyon at partner agencies tulad ng Lokal na Gobyerno ng Alaminos, Philippine Coast Guard (PCG), at ng Department of Tourism (DOT), bilang patunay ng kanilang iisang layunin para sa mas ligtas, episyente, at organisadong maritime tourism sa lungsod. |via Ardeline F. Gestre

View video here