Dahil hassle-free na ang pagkuha ng Certification, Authentication and Verification o CAV!
Sa pamamagitan ng MeCAV, ang Online System ng MARINA, sure na mas accessible, mas efficient, at mas mabilis ang inyong CAV application!
𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝟖 𝐞𝐚𝐬𝐲 𝐬𝐭𝐞𝐩𝐬!
1. Gamit ang iyong electronic device pumunta lamang sa mecav.marina.gov.ph, magregister lamang at pwede ng mag-log in
2. Start a new application, pumunta sa applications tab at i-click ang new application
3. Choose your application type, tapos click next
4. Ilagay ang iyong educational details tapos click next ulit
5. I-fill out ang application details, piliin ang student type at purpose tapos syempre click next ulit
6. I-upload mo lang ang lahat ng documentary requirements, pagkatapos i-click mo ang submit to complete your cav application
7. Pagkatapos nito ay makikita mo na naka-mark na ito for evaluation
8. Hintayin lamang ang approval ng iyong application, once approved, the mecav will be issued and uploaded sa iyong mecav account.
Ganyan lang kadali ang bagong sistema hatid sa inyo ng marina!
View video here.
