Suportado ng MARINA ang pagpapatupad ng mga “green ferry” pilot projects sa bansa, bilang bahagi ng layunin na gawing mas environment-friendly ang inter-island transport system ng Pilipinas.
Ayon kay MARINA Administrator Sonia Malaluan, panahon na para isabuhay ang mga resulta ng pag-aaral at gawing konkretong aksyon ang mga ito para sa mas maayos na biyahe at pagbawas ng polusyon mula sa mga barko.
Binigyang-diin din ng World Bank na mahalaga ang modernisasyon ng maritime transport para sa mas mabilis na pag-unlad ng ekonomiya at mas maayos na mobility ng mga Pilipino.
Layunin ng proyekto na mabawasan ang greenhouse gas emissions habang pinagaganda ang koneksyon sa pagitan ng mga isla sa bansa.
Isang malaking hakbang ito tungo sa mas malinis at mas sustainable na transportasyon sa Pilipinas! | via Levie Miranda
View video here
