Nagsimula na ang masusing inspeksyon sa mga barko sa Limay Anchorage sa probinsya ng Bataan.
Sa ilalim ng Nationwide Validation Inspection o NVI ng Maritime Industry Authority o MARINA, nagsagawa ng masusing pagsusuri ang MARINA Regional Office 1 & 2 sa mga barkong nakadaong sa lugar.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan mismo ni Regional Director Atty. Fernan Cabral, katuwang ang mga teknikal personnel ng ahensya — upang tiyakin ang pagsunod ng mga barko sa umiiral na safety at operational standards.
Kabilang sa mga sinuri ang seaworthiness ng mga sasakyang pandagat, kondisyon ng mga makina, at pagkakaroon ng sapat na life-saving at safety equipment.
Layunin ng inspeksyon na matiyak ang kaligtasan ng mga tripulante, proteksyon sa karagatan, at maayos na operasyon ng mga barko sa bansa.
Matatandaan na ang NVI ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng MARINA para sa mas ligtas na biyaheng dagat, at inaasahang magpapatuloy ito sa iba’t iba pang bahagi ng bansa. | via Merrowen Andong
View video here
