Nilahukan ng 65 boat operators ng Alaminos ang hatid na safety training ng MARINA Regional Office I & II (MARINA 1&2).
Ginanap sa Lucap, Alaminos, Pangasinan ang nasabing training kung saan layunin nito na palawakin ang kaalaman sa kaligtasan sa dagat, kabilang ang tamang pagtugon sa emerhensiya at paggamit ng life-saving appliances upang maiwasan ang aksidente.
Samantala, tuloy-tuloy ang pagtanggap ng MARINA ng mga requirements mula sa mga stakeholder para sa pagproseso ng Certificate of Public Convenience (CPC) para sa Wooden-Hulled Recreational Boats (WHRB).
Kasabay nito, isinasagawa rin ang pagtanggap ng dokumento para sa mobile registration, na nagsimula noong Abril 7 at magtatapos sa Abril 11.
Ayon sa MARINA, layunin ng mga programang ito na mas mapalapit ang gobyerno sa mga lokal na operator ng sasakyang pandagat at matiyak na may sapat silang kaalaman, kasanayan, at kahandaan sa pagpapanatili ng kaligtasan sa karagatan.| Ronna de los Santos
View video here
