Nakapagtapos ang 133 na mga operator ng bangka sa isinagawang Safe Handling and Safety Navigation 1 at Engine Operations and Maintenance 1 training ng MARINA Regional Office 10 sa Opol, Misamis Oriental.
Nakiisa sa pagsasanay ang mga operator at tripulante ng mga commercial fishing vessel, mga tauhan ng Philippine National Police Maritime Group, at mga kinatawan ng pribadong sektor na nagpapatakbo ng speedboat at yate para sa turismo sa lugar.
Ayon sa MARINA, ang pakikilahok ng PNP Maritime Group ay bahagi ng pinaigting na hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang kaligtasan at seguridad sa karagatan.
Patuloy na inilalapit ng MARINA Regional Office 10 ang mga ganitong programa sa maritime stakeholders bilang bahagi ng kanilang pangako na pangalagaan ang buhay sa dagat at itaguyod ang isang mahusay, responsable, at may sapat na kaalamang sektor ng paglalayag. | via Ronna de los Santos
View video here
