Suportado ng Maritime Industry Authority Regional Office V (MARINA V) ang high-level interagency roundtable discussion (RTD) at port security inspection kasama ang Office for Transportation Security (OTS), na isinagawa bilang bahagi ng pambansang kampanya para sa mas ligtas at mas matatag na maritime transport system.

Pinangunahan ni Regional Director Jeffrey A. Bangsa ang partisipasyon ng MARINA Regional Office V sa pagtitipon.

Sentro ng talakayan ang pagpapabilis ng information-sharing, pag-standardize ng mga hakbang sa seguridad, at pagtukoy sa mga kahinaan sa kasalukuyang sistema ng port protection.

Kasabay ng RTD, nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga pasilidad ng pantalan upang tiyakin ang pagsunod sa umiiral na security protocols at agarang matugunan ang anumang kakulangan.

Ayon sa MARINA, mahalaga ang nasabing pagtitipon upang higit na matutukan at maprotektahan ang mga pasahero, kargamento, at imprastraktura, at maiwasan ang mga insidente sa dagat.

Binigyang-diin din ng ahensiya ang patuloy na pakikipagtulungan sa mga katuwang na institusyon bilang bahagi ng pambansang kampanya para sa mas ligtas at matatag na maritime transport system.| via Ronna de los Santos

View video here