Nakarating sa kaalaman ng MARINA ang mga ulat tungkol sa isang indibidwal na gumagamit ng alyas na “John Dave De Juan” na umano’y nag-aalok ng “guaranteed appointment slots” para sa SRB at SID kapalit ng karagdagang bayad.
Nais naming ipaalala sa lahat na ang MARINA ay hindi kumukunsinti sa anumang uri ng pangingikil o fraud. Ang mga appointment ay dapat dumaan sa opisyal na sistema at walang kaukulang “extra fee” na dapat ibayad sa mga indibidwal. Kasalukuyan ang isinisagawang imbestigasyon ukol dito.
⚓ Paalala sa ating mga Seafarers:
– Huwag makipag-transaksyon sa mga hindi awtorisadong tao.
– Gamitin lamang ang opisyal na MARINA appointment system.
– I-report agad ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa aming mga opisyal na channels: [email protected] or (02) 8524 6517 | [email protected] | [email protected] | [email protected] | [email protected]
DO NOT PAY EXTRA TO SECURE APPOINTMENT SLOTS. FOLLOW THE LEGITIMATE PROCESS.
View picture here
