“Malaking tulong” — ito ngayon ang pahayag ng mga pasaherong nabenepisyuha sa Ligtas Biyaheng Dagat Program ng Maritime Industry Authority(MARINA) sa Zamboanga City.
“Thank you po MARINA dahil po sa pagbaba ng price it’s such a big help po for everyday sa mga pasahero.” – ani ni Alliah Idris, isang pasahero mula Zamboanga.
Ayon sa mga biyahero, malaking ginhawa ang dulot ng programa lalo na sa mga araw-araw na bumibiyahe mula Isabela, Basilan patungong Zamboanga City.
“Thankful po kami kasi mura sya ngayon at convenient saamin as daily passenger” Pasahero
“Compare sa regular mas malaki talaga ang tipid namin.” Pasahero
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pagbibigay-subsidiya ng MARINA sa mga pasahero ng Zambonga sa pamamagitan ng SRN Fast Seacrafts at Mandangan Transport Services bilang bahagi ng programa na layuning makapag bigaytulong sa mga pasahero sa gitna ng tumataas na pasahe.| via Ronna L. de los Santos
View video here
