Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-52 anibersaryo ng Maritime Industry Authority (MARINA), kinilala ng ahensya ang mga natatanging kawani at organization unit sa kanilang kahusayan sa serbisyo publiko, integridad, at natatanging pagganap sa tungkulin.
Sa Director Category ng MARINA Central Office, kinilala bilang Best Director si Director II Jose Louie B. Banua ng Manpower Development Service (MDS) habang 1st Runner-Up si Director II Atty. Eusebia A. Cadlum-Boco ng Legal Service at pumangalawa naman si Director II Engr. Ramon C. Hernandez ng Overseas Shipping Service.
Sa MARINA Regional Office naman, Best Director MRO si Director II Annabell P. Lagas ng Domestic Shipping Service (DSS). 1st runner up si Director II Atty. Maximo I. Banares Jr. ng MARINA Regional Office V at 2nd runner up si Director II Atty. Fernan H. Cabral ng MARINA Regional Offices I&II.
Kinilala rin bilang Best Organizational Unit ang STCW Office ng Central Office at pinarangalan din ang MARINA Regional Office VII.
Para sa MARINA –Layunin ng naturang sistema ng pagkilala na matiyak ang patas, transparent, at merit-based na pagpili ng mga pararangalan sa pamamagitan ng komprehensibong proseso ng ebalwasyon mula sa iba’t ibang antas ng organisasyon.| via Ronna L. de los Santos
View video here
