Mas madali na ngayon para sa mga Pilipinong marino na makumpleto ang ilang kinakailangang kurso kahit nasa ibang bansa, sakay ng barko o nasa kanya-kanyang tahanan.
Ayon sa MARINA, may mga Maritime Training Institutions (MTIs) na official at authorized nang mag-alok ng mga kurso sa pamamagitan ng distance learning at e-learning. Dahil dito, hindi na kailangang bumiyahe pa ng mga seafarer para sa ilang training requirements. Malaking tulong upang makatipid sila sa oras at gastos.
Kabilang sa mga aprubadong institusyon ang:
Compass Training Center
Far East Maritime Foundation
Mariana Academy of Maritime Studies
Nautical Options Training Institute of the Philippines (NOTIP)
STI Training Academy
Maritime Academy of Asia and the Pacific–AMOSUP Seamen’s Training Center (MAAP)
At VMA Global College and Training Center.
Nagbabala ang ahensya na sa mga lehitimo at MARINA-accredited training centers lamang dapat mag-enroll upang matiyak na valid at kikilalanin ang kanilang mga certificates. | via Levie Miranda
View video here
