Isa ka bang Boat Captain ng merchant ship, fishing vessel, o motorbanca?
May libreng training ang MARINA para sa’yo!
Sa darating na Hunyo 17-19 2026 sa Palo Leyte, magsasagawa ang MARINA Regional Office 8 ng libreng training para sa Ship Handling and Safe Navigation 1 (SHSN 1).
Ang training ay naglalayong mapalawak ang kaalaman sa tamang pagmamaniobra ng sasakyang pandagat at sa ligtas na paglalayag.
Para makapag-register, at hindi maubusan ng slots, makipag-ugnayan na sa MARINA Regional Office 8 sa pamamagitan ng: 0975-180-7200/0919-895-2163 | (053) 888-1027/888-3179 (office hours) | via Hecyl Joy Brojan
View video here
