Naglabas ng karagdagang opisyal na listahan ang Maritime Industry Authority (MARINA) ukol sa sampung Maritime Training Institutions (MTIs) na awtorisadong mag-alok ng maritime courses sa pamamagitan ng Distance Learning at E-Learning delivery system.

Nag-aalok ang Competent Maritime Professionals and Sea Staff (COMPASS) Training Center, Inc. ng mga kursong Advance Firefighting (AFF), Basic Training (BT), Survival Craft and Rescue Boats (SCRB), at Updating BT-PSSR. Samantala, ang Excellence and Competency Training Center, Inc. (EXACT-Manila) ay may mga kursong AFF, BT, at SCRB.

Sa Far East Maritime Foundation, Inc. naman ay maaaring kumuha ng BT, Advance Firefighting (AFF), at SCRB, habang ang Maritime Academy of Asia and the Pacific–AMOSUP Seamen’s Training Center (MAAP) ay nag-aalok ng Basic Training (BT) at SAT-SDSD.

Kabilang din sa mga aprubadong institusyon ang Mariana Academy of Maritime Studies, Inc., na may mga kursong Management Level Course -Deck (MLC-Deck), Management Level Course-Engine, Electro-Technical Ratings (ETR), Updating BT-PSSR at SAT-SDSD; ang Nautical Options Training Institute of the Philippines (NOTIP), Inc., na nag-aalok ng BT at SAT-SDSD; at ang Philippine Center for Advanced Maritime Simulation and Training, Inc. (PHILCAMSAT), na may mga kursong Updating BT-PSSR at Security Awareness Training- Seafarers with Designated Security Duties (SAT-SDSD).

Samantala, ang Southern Institute of Maritime Studies (SIMS) Manila ay nag-aalok ng BT, Ratings Forming Part of a Navigational Watch (RFPNW), at SAT-SDSD, habang ang STI Training Academy, Inc. ay may mga kursong Ratings Forming Part of a Navigational Watch (RFPNW) at Security Awareness Training- Seafarers with Designated Security Duties (SAT-SDSD).

Nag-aalok naman ang VMA Global College and Training Centers, Inc. ng Basic Training (BT), Medical First Aid (MEFA), at Advanced Fire Fighting (AFF).

Muling pinaalalahanan ng MARINA ang publiko at mga stakeholder na tanging ang mga MTIs na aprubado at awtorisado lamang ng ahensya ang maaaring magsagawa ng online maritime training upang maiwasan ang hindi awtorisadong pagsasanay at matiyak ang bisa ng kanilang mga sertipikasyon.| via Ronna de los Santos

View video here