Pagkilala sa sakripisyo at paninindigan para sa mas ligtas na kinabukasan ng mga seafarer. Ito ang naging sentro ng pagdiriwang ng Day of the Seafarer 2026 na pinangunahan ng MARINA Regional Office 7 kung saan nagtipon ang mga seafarer, maritime students, opisyal ng pamahalaan, at mga kinatawan ng maritime industry sa ilalim ng temang, “Carrying World Trade. Carrying the Risks.”

Katuwang sa nasabing aktibidad ang Cebu Maritime Group at iba pang maritime partners. Isa sa mga mahalagang programa ang Blessing of the Sea at Wreath-Laying Ceremony bilang pagpupugay sa mga seafarer na nag-alay ng kanilang buhay sa dagat at pagkilala sa katatagan at dedikasyon ng bawat Pilipinong marino.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, muling pinagtibay ang pagkilala sa mahalagang papel ng mga Pilipinong seafarer sa pandaigdigang kalakalan at ang sama-samang panawagan na higit pang paigtingin ang pangangalaga sa kanilang kaligtasan, kapakanan, at propesyonal na pag-unlad—habang patuloy nilang dinadala ang kalakalan ng mundo at ang dangal ng Pilipinas sa bawat paglalayag.

View video here.