Magandang balita para sa mga maritime professionals na nais maging lisensyadong harbor pilot! Dahil bukas na ang aplikasyon para sa August 2026 Harbor Pilots Licensure Examination ng MARINA.
Mula ika-4 hanggang ika-6 ng Agosto 2026 isasagawa ang Harbor Pilots Licensure Examination sa MARINA Central Office sa Lungsod ng Maynila.
Layunin ng pagsusulit na matiyak na tanging mga kuwalipikado at may sapat na kakayahan ang magsisilbing harbor pilots—mga propesyonal na gumagabay sa ligtas na pagpasok, paglabas, at pagmamaniobra ng mga barko sa mga pantalan sa buong bansa.
Mahalaga ang papel ng mga harbor pilot sa pag-iwas sa mga aksidente sa karagatan, pangangalaga sa buhay at ari-arian, at pagpapanatili ng ligtas at episyenteng daloy ng kalakalan sa mga daungan ng Pilipinas.
Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magsumite ng kanilang application form at kumpletong requirements sa Maritime Training Program Development Division–Manpower Development Service o MTPDD-MDS sa MARINA Central Office sa South Harbor, Maynila.
Hanggang Hulyo 24, 2026 lamang ang pagtanggap ng aplikasyon, at 50 aplikante lamang ang tatanggapin sa first-come, first-served na batayan.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa (02) 8524-6517 o mag-email sa [email protected].
Muling pinaalalahanan ng MARINA ang mga kuwalipikadong maritime professionals na ihanda na ang kanilang mga requirements at magsumite ng aplikasyon bago ang itinakdang deadline.
View video here
