56 na boat captain, motorman at operator ang mas handa na para sa ligtas na paglalayag matapos lumahok sa Modified Basic Safety Training (MBST) ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa Tanza, Cavite.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kahandaan ng mga lokal na bangkero sa pagtugon sa iba’t ibang emerhensiya sa dagat at maisulong ang layuning zero-casualty navigation. Tinalakay rito ang fire prevention and firefighting, elementary first aid, personal survival techniques, typhoon awareness and preparedness, ship safety regulations, at gender awareness and development.
Sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ito, patuloy na isinusulong ng MARINA ang kultura ng kaligtasan upang matiyak ang ligtas na paglalayag ng bawat sasakyang-pandagat sa probinsya ng Cavite, lalo na ngayong tag-ulan. | via Ardeline F. Gestre
View video here
