Bukas na ang aplikasyon para sa Train the Trainer Program ng Maritime Industry Authority (MARINA) para sa Updating BT-PSSR Course sa Bacolod City.
Isasagawa ng MARINA Training Institute (MarTI) ang pagsasanay sa dalawang batch simula Hulyo 29 hanggang 30 at Agosto 26 hanggang 27, 2026—sa Training Room 1, MARINA Regional Office 6–Bacolod Extension Office sa Panaad Park, Barangay Mansilingan, Bacolod City.
Paalala ng MARINA, limitado lamang ang mga slot at tatanggapin ang mga aplikante sa first-come, first-served basis.
Maaaring makipag-ugnayan ang mga interesadong maritime training institutions sa [email protected] o tumawag sa 0945-440-3762. | via Ronna de los Santos
View video here
