Sa pagsulong ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa pagpapatupad ng Compliance, Operations, at Risk-Based Enforcement Regulation, nagsagawa ito ng isang Public Consultation sa mga domestic shipping operators ng Cebu.

Layunin ng pagpupulong na mapagusapan ang mahahalagang probisyon ng isinusulong na Draft MARINA Memorandum Circular at mabigyan ng pagkakataon ang mga stakeholder na magbahagi ng kanilang mga pananaw, komento, at rekomendasyon upang higit pang mapahusay ang implementasyon ng mga bagong regulasyon.

Tinalakay din sa nasabing konsultasyon ang compliance monitoring, mga pamamaraan sa pagpapatupad ng mga regulasyon, at ang pagpapatupad ng isang standardized risk-based approach para sa mga barkong rehistrado sa Pilipinas na nasa ilalim ng operasyon ng domestic shipping.

Pinangunahan ang aktibidad nina Regional Director Engr. Ronaldo P. Bandalaria at Enforcement Service Director Luisito U. Delos Santos, kasama ang iba pang kinatawan ng MARINA.| via Ardeline F. Gestre

View video here.