Mas naging abot-kamay sa mga boat operator sa Pilar, Ponson Island, Cebu ang registration, licensing, at iba pang maritime services sa panguguna ng Maritime Industry Authority Regional Office VII.

Sa nasabing aktibidad, 20 sasakyang pandagat ang naproseso para sa registration at documentation, habang 60 boat captain at motormen ang nabigyan ng lisensya.

Kasabay ng registration at licensing, nagsagawa rin ng Safety Caravan kung saan tinalakay ang maritime safety regulations, vessel compliance requirements, at responsibilidad ng mga boat operator at crew sa pagpapanatili ng ligtas na paglalayag.

Katuwang ng MARINA Region 7 sa aktibidad ang lokal na pamahalaan ng Pilar, Philippine Coast Guard o PCG, at iba pang local stakeholders.

View video here