Sa likod ng bawat barkong ligtas na naglalayag ay ang mga taong gumagawa, nagkukumpuni, at nagsisigurong handa itong bumiyahe.

Ito ang naging sentro ng talakayan sa 2nd Shipbuilding and Ship Repair National Convention, bahagi ng pagbubukas ng Blue Economy Annual Trade and Conference (BEACON) Expo 2026 na ginanap sa SMX Convention Center, Pasay.

Binigyang-diin ni MARINA Director Engr. Emmanuel B. Carpio, ang kahalagahan ng pagpapalakas sa lokal na Shipbuilding and Ship Repair o SBSR sector sa bansa, mula sa modernisasyon ng mga shipyard, pagpapataas ng safety at quality standards, hanggang sa paglinang ng mga skilled workers.

Kasabay nito, isinulong naman ng Anti-Red Tape Authority ang digitalization at mas maayos na koordinasyon ng mga ahensya, kabilang ang planong SBSR One-Stop Shop, para maging mas mabilis at sistematiko ang mga proseso para sa industriya.

Dahil ang pagpapalakas ng SBSR ay hindi lamang tungkol sa mga barko.
Ito ay tungkol sa trabaho, oportunidad, at kakayahan ng mga Pilipino na bumuo ng sariling maritime future.

Sa pagtutulungan ng MARINA at Maritime Stakeholders, layunin ng BEACON 2026 na gawing mas matatag, moderno, ligtas, at handang makipagsabay sa pandaigdigang industriya ang Philippine Maritime Industry. | via Levie Miranda

View video here