Hindi lang sa loob ng silid-aralan nahuhubog ang mga susunod na maritime professionals. Kundi, ang pinakamahalagang aral ay matatagpuan mismo sa industriya na kanilang pinaghahandaan.
Kaya naman, mahigit 150 maritime students mula sa iba’t-ibang Maritime Institutions sa rehiyon ang lumahok sa isang Shipyard Visitation sa Dynacast Shipbuilding and Repairs, Inc. sa Danao City, Cebu sa pangunguna ng Maritime Industry Authority Region 7 (MARINA).
Sa kanilang pagbisita, nasaksihan ng mga estudyante ang aktuwal na proseso ng shipbuilding, ship repair, at maintenance, at kung paano nagtutulungan ang mga maritime workers sa industriya upang mapanatiling maayos at ligtas ang mga sasakyang pandagat.
“Iba talaga ang experience kapag nakikita natin ito sa actual, unlike sa mga theoretical na dini-discuss lang sa boards.” Pahayag ng isang estudyante mula sa Concord Technical Institute, Inc.
Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, mas napapalawak ang kaalaman ng mga estudyante sa industriyang kanilang pinaghahandaan at mas nakikita ang tunay na aplikasyon ng kanilang mga natututunan.
View video here
