Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa pangangasiwa ni Transportation Secretary Vince Dizon na tiyakin ang ligtas na paglalakbay sa dagat, nagsagawa ng inspeksiyon at imbestigasyon ang mga surveyor ng MARINA Regional Office 7 sa MV OCEANJET 788 sa Port of Tagbilaran, Bohol.

Layunin ng pagsisiyasat na matukoy ang sanhi ng naiulat na aberyang elektrikal at masuri ang kondisyon ng barko at pagsunod nito sa mga pamantayan sa kaligtasan at pagiging karapat-dapat sa paglalayag.

Binigyang-diin ni MARINA OIC-Administrator Rear Admiral Loumer P. Bernabe PN (Ret) na pangunahing prayoridad ng ahensiya ang kaligtasan ng mga pasahero at tripulante, at hindi dapat payagang maglayag ang mga barkong hindi nakatutugon sa mga itinakdang pamantayan sa kaligtasan.

Photos from: MARINA Regional Office 7

View pictures here