Zero pollution sa karagatan, ito ang layuning isinusulong ng Maritime Industry Authority (MARINA), katuwang ang World Bank, sa pamamagitan ng pagsusulong ng mas malinis at environment-friendly na operasyon ng mga inter-island ferry sa bansa.

Bilang hakbang tungo rito, nagsagawa ang MARINA ng Public Consultation sa Interisland Ferry Decarbonization Pilot Project sa Mandurriao, Iloilo City.

Tinalakay sa konsultasyon ang mga panukalang solusyon upang mabawasan ang paggamit ng fossil fuel at greenhouse gas emissions mula sa operasyon ng mga sasakyang-dagat, habang tinitiyak na mananatiling ligtas, maaasahan, at abot-kaya ang serbisyo ng mga ferry para sa mga komunidad na umaasa rito.

Sa pamamagitan ng pilot project, hangad ng MARINA na maisulong ang mas malinis at sustenableng operasyon ng mga inter-island ferry, kasabay ng pangangalaga sa ating karagatan.|via Ardeline F. Gestre

View video here