Siya si Joselito Caasi Padilla, dating tagasisid ng sea urchin na ngayon ay isang certified seaman na!
Limang taong gulang pa lamang si Joselito nang magsimula siyang sumisid ng sea urchin para makatulong sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya. Pero kahit pa ganito ang sitwasyon, nangarap at nagpursige pa rin siyang mag-aral para maging isang marino.
Sa tulong ng Project Malasakit Program by Kara David, nakapagtapos si Joselito ng kursong BS Marine Transport noong Marso 2017 at ngayong Setyembre 2018, biyahe na siyang pa-Singapore para magtrabaho bilang isang “deck cadet”.
“Kahit gaano kahirap ang buhay, huwag susuko. Mahirap man, pero maraming paraan para makamit ang pangarap. Magsikap, mag aral nang mabut, at magpursige dahil bawat hirap na pagdaraanan ay siyang magdadala sa atin sa tagumpay,” mensahe ni Joselito.
Inspirasyon ka, hindi lamang sa mga kapwa mo marino, kundi sa mga kabataang nangangarap sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, Joselito. Saludo kami sa iyo, gayunrin ang sambayanang Pilipino! Mabuhay ka!