Serbisyo mula sa buong puwersa ng MARINA Region – V Office sa pangunguna ni Regional Director Atty. Maximo Banares Jr. ang inihatid sa Bayan ng Jose Panganiban ngayon February 11, 2025 sa Roy Padilla Memorial Stadium.
Ngayong araw ay isinagawa ang orientation seminar para sa registration at accreditation ng mga motorized banca lalo’t nalalapit na ang summer season sa Pilipinas.
Isa itong magandang hakbang upang masimulan ng mga Boat Owners and Tourist Boat Operators ang mga nararapat na dokomento para sa pag renew o pag paparehistro o kahit accreditation ng mga sasakyang pandagat na pangunahing gamit upang mag serbisyo sa mga turista ngayong nalalapit na tag-araw. Layon ng aktibidad na masigurado ang safety ng bawat pasahero.
Hindi na kailangan pang pumunta sa Legazpi City ng mga mangingisda, operators, may-ari o kapitan ng mga motorized banca upang iparehistro ang kanilang mga units. Dala na rin ng MARINA ang kanilang mga official documents tulad ng mga resibo para sa Condonation Fees at Late Registration Payments.
Hindi lamang mga taga Jose Panganiban ang makikinabang sapagkat tatanggap rin sila ng mga application mula sa Coastal Municipalities ng Sta. Elena, Capalonga, Paracale, Vinzons, Talisay, Mercedes, Daet, at Basud. Ang One-Stop-Shop Caravan na ito ay malaking tulong sa buong Camarines Norte lalo na sa mga mangingisda ng Jose Panganiban.
Dahil sa mas pinalakas ugnayan ng LGU – Jose Panganiban sa pangunguna ni Mayor Ariel M. Non at ni Regional Director Atty. Maximo Banares Jr. katuwang ang Philippine Coast Guard ay maisasakatuparan na ang mabilis at abot kamay na serbisyo ng National Government lalo na para sa mga liblib na Coastal Barangays ng Jose Panganiban.
View photos here