Pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat laban sa mga hindi awtorisadong indibidwal o fixers na nag-aalok ng serbisyo para sa anumang transaksyon na may kaugnayan sa MARINA-BEST (Blockchain-Enabled Automated Certification System).

Muling pinapaabot ng Maritime Industry Authority (MARINA) na LIBRE ang paggawa ng account sa MARINA-BEST Shipping (shipping-best.marina.gov.ph) at ang transaksyon sa pagkuha ng Vessel Name Clearance. May mga nagpapanggap na nag-aalok ng serbisyong may kabayaran para rito, ngunit ang proseso ng pag-access at paggawa ng account ay walang bayad.

Para sa tamang impormasyon at tulong, maaaring bumisita sa MARINA Central Office – 9th Floor, Management Information and Systems Service (MISS) o sa mga MARINA Regional Offices. Maaari ring makipag-ugnayan sa:

Email: [email protected]
Viber: MARINA-Blockchain Support Shipping – 0962-472-3847

Huwag magpaloko! Siguraduhing awtorisadong tao mula sa MARINA ang inyong kausap upang mapanatili ang inyong seguridad at kapakanan.