BABALA: Para sa mga minamahal naming marino, tanging ang Maritime Industry Authority (MARINA) lamang po ang otorisadong magbigay ng Certificate of Competency (COC) o Certificate of Proficiency (COP).

Wala po tayong katuwang na ahensya o indibidwal man na may karapatan na mag-issue ng mga nasabing dokumento.

Kaya naman pinag-iingat ng MARINA ang mga marinong Pilipino laban sa mga fixers na nangangakong magbibigay ng authentic COC o COP kapalit ng malaking halaga.

Ang anumang COC o COP na hindi inimprenta ng MARINA ay maituturing na peke at hindi totoo.

#DOTrPH 🇵🇭
#MARINAPH
#MaritimeSectorWorks