Sa pangunguna ng Department of Transportation – Philippines kasama ang buong maritime sector, ating ilulunsad na ang Cavite-Manila Ferry Route. Hangarin ng proyektong ito na magbigay ng alternatibong biyahe para sa ating mga CaviteƱos gamit ang ating sasakyang pandagat.

Ang magiging ruta ay sa Cavite City Port Terminal – Cavite City Hall patungong CCP Port at pati na rin sa Liwasang Bonifacio, at balikan.

Sa pamamagitan nito, ang nakasanayang lagpas dalawang (2) oras na biyahe gamit ang land transportation ay mapapababa na lamang sa kulang isang oras na byahe sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat.

Magsisimula ang naturang biyahe sa darating na Lunes, Disyembre 9, 2019.