Ang magandang balita ay bunga ng suporta ng lokal na pamahalaan ng Ozamiz sa Maritime Industry Authority (MARINA) Regional Office X (RO 10).

Nitong 25 Oktubre 2022, nagkaroon ng pagpupulong sina Ozamiz City Mayor Henry Oaminal Jr. at MRO 10 Director Annabell P. Lagas kung saan napag-usapan ang pagnanais ng MARINA na ilapit sa mga stakeholders nito ang serbisyo ng ahensya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng extension office sa nasabing siyudad.

Sa nasabing pulong, hiniling ni RD Lagas na magkaroon ng 300 sqm – 400 sqm ang MARINA kung saan itatayo ang nasabing gusali. Bilang tugon, nangako ang nasabing lokal na pamahalaan na magbibigay ito ng espasyo o lote sa city proper ng Ozamiz.

Magkakaroon ng Memorandum of Agreement (MoA) sa pagitan ng MARINA at Ozamiz LGU bago matapos ang taon.

See more photos here.

#DOTrPH??
#MARINAPH
#YesToPhSTCWCompliance