1. Sa “Sign in” page ng MARINA MISMO website, i-click lamang ang “Forgot Password”.

2. Siguraduhin na ang e-mail address na ilalagay ay ang inyong ginamit sa paggawa ng MISMO ccount. Lagyan ng check ang “I’m not a robot” at i-click ang “Send Password Reset”.

3. Magpapadala ng notification ang MISMO System sa inyong ginamit na e-mail address. Buksan lamang ito at i-click ang link. Ibigay ang mga impormasyong kinakailangan upang makagawa ng panibagong password.

PAALALA: Kung sakaling wala nang access sa inyong e-mail address, direktang magpadala ng e-mail request sa [email protected]