Kung sakaling nawalan ng access sa inyong MISMO account, huwag gumawa ng panibagong account at iwasang magpatulong sa iba para mag-retrieve nito.

Para sa agarang tulong na ma-access ang inyong MISMO account, mag-e-mail lamang sa [email protected] kasama ang mga sumusunod na attachments:

– Affidavit of Discrepancy
– Letter of Request (with signature) para sa retrieval ng inyong account
– Selfie na hawak ang inyong Letter of Request
– Larawan ng SRB o anumang valid government-issued ID
– Selfie na hawak ang inyong SRB o anumang valid government-issued ID