Mahalagang tandaan na ang inyong MISMO account ay isang pribadong account.

Responsibilidad ng isang seafarer kung ipagkakatiwala niya ito sa ibang tao. Sa panahon ngayon, kailangan nating maging maingat sa pagbabahagi ng ating mga personal na impormasyon at dokumento.

Kung magkakaroon ng anumang problema o kaso na may kaugnayan sa impormasyon o dokumento na naka-upload sa MISMO account ng seafarer, siya ang pangunahing may pananagutan nito.

SUMANGGUNI AT MAGPA-ASSIST SA LEHITIMONG EMPLEYADO LAMANG NG MARINA STCW OFFICE.